I am posting this profound response of my friend Dominic to James Soriano’s article that was published online at the Manila Bulletin Online Portal last August 24entitled: Language, learning, identity, privilege
Ang Wikang Filipino ay kailan man hindi naging wika para lamang sa mga taong walang pinag aralan. Ang wikang filipino ay wika ng mga tao sa Pilipinas, ano naman kung ang wika natin ay hindi ginagamit sa matematika, siyensa o sa iba pang kurso o kaalaman. Dibat sa Amerika pag bumili ka ng suka eh ingles din ang gamit? Ang wika ay kailan man hindi naging pamantayan ng karunugan. Ang wika ay isang pamamaraan ng komunikasyon at pagkakaisa ng isang lahi, kahit sampung wika na iba iba pa ang alam mo ay hindi ito nangangahulugan na ikaw ay isang matalinong tao.
Ako ay Filipino at ang wikang Filipino ay aking ginagamit hindi lamang sa mga katulong at manong. Ginagamit ko ito sa aking ama, ina at sa mga pinapahalgan kong mga kapwa Filipino. May isang Filipino na marahil ay nangaling sa isang marangya na pamilya sa Pilipinas na minulat ng kanyang pamilya sa wikang Ingles. Marahil siya ay may gustong iparating sa ating mga "hamak" na Filipino ngunit sino ka upang maliitin ang wikang Filipino, marahil sa paaralan at kuminidad na iyong kinagisnan ang wikang Filipino ay hindi ginagamit dahil ito ay minamaliit. Marahil dapat ay inisip mo muna kung saan ka nanggaling bago mo sabihin na ang wikang Filipino ay hindi para sa aral. Marahil ang gusto mong sabihin ang Wikang Filipino ay pang mahirap lamang at hindi para sa mga katulad mong pinalaki sa layaw.
Maraming Filipino ang mahihirap ngunit aral, at nag papasalamat ako at isa ako sa mga iyon at kailan man hindi ko minamaliit ang mga manong at manang ng aming tahanan. Sinisikap ko pa nga na aralin ang kanilang mga dialekto upang aking mas maintindihan ang kanilang buhay. Ako ay namulat sa pamilya na may pinag-aralan at respetadong mga abugado't huwes ng ating bayan at sa kasalukuyan ako ay nag aaral ng batas. Ang ingles ang ginagamit sa korte dahil noong unang panahon ay hindi na isalin sa ating wika ang mismong mga batas na ating sinusunod ngayon. Ngunit hindi naman pinagbabawal na mag-salita ng wikang Filipino sa korte lalo na sa mga bayan at probinsya, ngunit hindi nangangahulugan na ang mga abugado sa mga probinsya na minsan ay ang lokal na dialekto pa ang ginagamit sa korte ay hindi aral or mas mababa sa mga abugado na magaling sa ingles.
Sana'y iyong maiisp Ginoong James Soriano na ang iyong isinulat na saloobin ay hindi angkop sa paksa ng pamagat nito "Language, learning, identity, privilege" and dapat na iyong pamagat ay "Filipino language is for the poor and English is for the rich and privilege citizens of this country"
Ang Taong hindi marunong magpahalaga sa sariling wika ay masahol pa sa isang bulok na isda. Ang pagpapahalaga ay nasa puso wala ito sa paggamit ng wika. Ito ay nasa puso na kahit saan ka man sa mundo na kahit isang daang wika pa ang alam mo, hindi mo kinakalimutan at ikinahihiya na ikaw ay Filipino at ang wikang iyong ginagamit sa palengke man o sa isang "aral" na pamamaraan taas noo mong ibinibigkas na ako ay ISANG FILIPINO!
Ito ay isang saloobin at isang pamamahayag ng aking pagpapahalaga ng Wikang Filipino na ating ipinagmamalaki lalo sa buwan ng Agusto, ang buwan kung saan ay ating ginugunita ang "Pambansang Wika."
-Dominic Orda, Law Student
No comments:
Post a Comment